Maraming pinoy pa rin ang hindi nakasanayan ang qpag-iipon sa bangko.
Kadalasan, nagdadalawang-isip sila na pumasok sabangko sa paniniwalang maraming requirements at mataas ang initial deposit. Habang ang iba naman ay kuntento nang nakatago sa bahay ang kanilang ipon napera para “easy access” kapag may biglaang gastusin.
Pero ang payo ng mga eksperto, mas mabuti na nasabangko ang perang naipon para iwas sa “risk” o panganibna mawala o manakaw ito. Ang dapat lamang gawin ay bisitahin ang bangko at mag-open ng account.
Ano nga ba ang benefits ng pagkakaroon ng account sabangko?
“Para sa maraming Pilipino, kakaiba at bago pa rin angkaranasan ng pagkakaroon ng savings account,” paliwanag ni Jesus Antonio S. Itchon, presidente ng BDONB. “Kaya ang priority namin sa BDONB ay dalhin samga malalayo at liblib na lugar ang banking services para sila ay mapagsilbihan at ma-experience ang benepisyo ng pagkakaroon ng account sa bangko.”
Para malaman ang advantages at benefits ng pagkakaroon ng account, bumisita at magtanong sapinakamalapit na BDO Unibank o BDONB branch sainyong bayan.
No comments:
Post a Comment